• Home
  • Alerts
  • About
  • Services
SafeSearch:  On

Download elementarya.pdf

File Info : DEPARTAMENTO NG FILIPINO Sentro ng Kahusayan sa Filipino ng CHED | TARGET= |

Contents : DEPARTAMENTO NG FILIPINO Sentro ng Kahusayan sa Filipino ng CHED Kolehiyo ng Malalayang Sining Pamantasang De La Salle - Maynila GAWAD LASALYANO SA HUWARANG GURO SA FILIPINO (Elementarya) Rasyonal: Layunin ng Gawad Lasalyano sa Huwarang Guro sa Filipino na kilalanin at parangalan ang mga pinakatatanging guro sa Filipino. Sila ang mga gurong marangal kahanga-hanga at puspusang gumagamit at nagtuturo ng wikang Filipino o bilang wikang panturo sa iba t ibang disiplina. Bukod-tangi silang tagapagdaloy at tagapagpatuloy ng intelektuwalisasyon ng Filipino sa akademya at lipunan. Ang kanilang talino karanasan at dedikasyon ang nagsisilbing inspirasyon sa mga mag-aaral kasamang guro at sa kanilang profesyon sa kabuuan. Tuntunin: 1. Ang gawad sa taong ito ay bukas sa lahat ng guro sa publiko o pribadong paaralan na nasa antas-elementarya. Kailangang mamamayan sila ng Republika ng Filipinas. 2. Tatlong taon ang siklo ng gawad: ang unang taon para sa mga guro sa elementarya ikalawang taon para sa mga guro sa hayskul at ang ikatlong taon para naman sa mga guro sa kolehiyo at paikot muli. 3. Hindi maaaring sumali ang mga administrador ng paaralan: presidente/tsanselor kawaksing tsanselor dekano pangalawang dekano direktor superintendent at prinsipal. Bukod sa kanila hindi rin maaaring sumali ang mga sumusunod: a. mga nagwagi sa ibang pambansang gawad o parangal para sa mga guro b. lahat ng guro mula sa Departamento ng Filipino ng Pamantasang De La Salle Maynila at c. mga gurong may administratibo sibil at kriminal na kasong dinidinig sa kasalukuyan. 4. Para makasali ang mga guro kailangang dumaan sila sa proseso ng nominasyon mula sa kanilang paaralan/institusyon. Ang nominasyon ay kailangang manggaling sa alinman sa mga pangunahing administrador: a. para sa elementarya/hayskul: mula sa prinsipal o superintendent/supervisor. b. para sa kolehiyo: mula sa tsanselor o dekano. 5. Ang guro ay kailangang may kabuuang sampung (10) taong serbisyo ng pagtuturo. a. Ang 10 taon ay maaaring kombinasyon ng pagiging fulltime/parttime probitionary/ permanenteng guro sa mga paaralan/institusyong pinasukan/pinapasukan. b. Maaaring kabuuang 10 taon mula sa iba t ibang antas (elementarya hayskul kolehiyo) subalit ang 6 na taon dito y para sa antas na sinasalihan. c. Sa kabuuang 10 taon kailangang Filipino ang itinuturong asignatura o wikang Filipino ang wikang panturo. 6. Narito ang inisyal na pangangailangan: a. liham-nominasyon ng administrador b. liham-rekomendasyon (mula sa paaralan sa komunidad at sa publiko/pribadong sektor) c. sertipiko ng hanap-buhay mula sa administrador (kabuuang sampung taon) d. sertipiko ng pagtuturo mula sa administrador (patunay na Filipino ang itinuturo o wikang panturo) e. pagsagot sa nomination form ng nominadong guro f. ipadala ang lahat ng ito sa Hunyo 15 2008 o bago sumapit ang petsang ito sa: Huwarang Guro sa Filipino Komite sa Gawad Lasalyano sa Filipino Departamento ng Filipino Pamantasang De La Salle Maynila 2401 Taft Avenue Manila 1004 Philippines 7. 8. 9. Magkakaroon ng ebalwasyon ng lahat ng nominasyon mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 26 2008. Tatlong finalist na guro ang ipapatawag para sa isang pakitang-turo at interbyu sa Hulyo 5 2008 sa Pamantasang De La Salle Maynila. Kasabay nito aabisuhan silang magdala ng iba pang dokumento: a. lesson plan b. resulta ng ebalwasyon sa pagtuturo c. mga sertipiko ng worksyap/pagsasanay at kumperensiyang dinaluhan d. at iba pa. Narito ang batayan at pamantayan sa pagpili ng huwarang guro sa Filipino: Personal at profesyonal na integridad 30% Kahusayan sa pagtuturo 30% Riserts at gawaing extensyon 20% Profesyonal na pag-unlad at pagsasanay 20% Sa unang yugto pangangasiwaan ng Komite sa Gawad Lasalyano sa Filipino ang inisyal na ebalwasyon at seleksyon ng mga nominadong guro. Sa ikalawa t huling yugto tatlong hurado ang uupo sa seleksyon ng Huwarang Guro sa Filipino. Dalawa sa mga ito ay batikang guro/manunulat/kritiko/awtor/risertser sa Filipino at ang isa naman ay manggagaling sa Komite ng Gawad Lasalyano sa Filipino. 10. Ipapaalam ang mapipiling Huwarang Guro sa Filipino sa Agosto 16 2008. 11. Tatanggap ng plake at medalya ang hihiranging Huwarang Guro sa Filipino na gagawaran sa Agosto 29 2008 sa Pamantasang De La Salle Maynila. 12. Kung may katanungan hinggil sa Gawad Lasalyano sa Filipino maaaring mag-email sa fildept@yahoo.com.
  • Rating :      
  • Surf Anonymously!
  • File Type : .pdf
  •    
  • Length : 1 pages
  • File Size: 19.5 kb
  • Virus Tested : No
  • Verified : 2012-03-08
  • Source: www.dlsu.edu.ph
 Email File   

INFO HASH : 1ed6bf283fc876677f9b23a96d27cf4f565078ae
blog comments powered by Disqus
Download now

File Size: 19.5 kb

Document Preview

    Other Downloads

  • nume4e.pdf331.5 kb
  • transients.pdf531.3 kb
  • willesley.pdf29 kb
  • 06-7000.pdf30.9 kb
  • afa.pdf48.3 kb

    Related Keywords

  • colleges  filipino  gawad  academics  

  • Add Media
  • |
  • Terms of Use
  • |
  • FAQ / Help

© 2012 all rights reserved